Pages

Ama naglakad halos 20 Kilometro habang bitbit ang 2 Kilong Saging at 10 Kilong Bigas mula Quezon City hanggang Bulacan dahil walang Masakyan pauwi


Madami ang posibleng masakyan dito sa Pilipinas sapagkat isa ang pamamasada sa pangunahing trabaho at mapagkukunan ng pera sa bansa natin sa ngayon.
Dahilan ng pagbaban ng public transportation, hirap ang mga mamamayan na pumunta sa kanilang mga pupuntahan lalo na kung kinakailangan.
Madami ang napukaw ang puso sa isang kwento ng dakilang ama na nilakad mula Quezon City hanggang Bulacan bitbit lang naman ang dalawang kilong saging at isang sako na may lamang 10 kilong bigas.

Wala nang ibang paraan pa kung hindi ang maglakad na lamang. Pinatupad ang iba’t ibang patakaran para sa ikabubuti ng marami.
Mayroong sumusunod at may ilan naman ding hindi. Kasabay pa noon ay ang pag papanic buying kaya naman bibihira at nag aagawan din sa mga madadaang sasakyan.


Ang kwentong ito ay nagmula sa isang netizen na anak ng mismong amang naglakad sa kasagsagan ng panahong iyon na si Carlo Cortez.
Kwento niya, tanghaling tapat daw noon ng magdesisyong maglakad ang ama sa Brgy. Apolonio Samson sa Quezon City pauwi sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan

Ininda ng init na nararamdaman dahil sa matinding sikat ng araw ngunit kailangan niya magpatuloy upang may makain ang kanyang pamilya.
“Salute to my father. Simula 12nn hanggang 5:55 p.m. mula Kaingin Bukid hanggang SM San Jose nilakad niya lang na may dala-dalang bigas na 10 kilos at 2 kilong saging makauwi lang sa amin,” sabi ni Carlo sa post na ngayon ay umabot nang 14k reactions at 4.4k shares na.