Pages

Dahil sa Kakulangan, Frontliners ng isang Ospital, Plastic at Trash Bags ang ginawang Pamprotekta sa sarili


Patuloy pa din ang pagiging out of stock ng mga produkto at materyales na dapat mayroon tayo at kakailanganin natin dala ng pag hohoarding at panic buying.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa din tumigil ang lahat upang mapanatiling ligtas ang sarili ng sa gayon ay makapag ligtas pa ng iba. Talaga nga namang kaniya kaniyang diskarte na lang ito.

Ito ay ipinost ng official Facebook page Kagaya na lamang ng mga medical staff members ng St. Jude Family Hospital sa Los BaƱos, Laguna na gumamit ng mga plastic at trash bags upang magsilbing proteksyon sa kanilang katawan laban sa C0VlD 19.

Ayon sa kanila, kinakailangan nila itong gawin pagkat wala nang ibang paraan pa. dahil kung sila mismo ang magkakasakit, paano na ang iba?
Ayon kay Tes Depano, “Kaya nag improvise na lang kami para kahit papaano mapanatiling ligtas ang aming mga staff. Salamat sa lakas ng loob at dedikasyon ng aming mga staff para makatulong sa mga pasyente,”


Sa bandang dulo ng caption ng post na ito, nananawagan ang St Jude Family Hospital sa mga maaaring puwedeng makapag bigay sana ng mga personal protective equipment para sa kanilang mga frontliners.
Tunay ngang sila an gating makabagong bayani. Maraming salamat po sa mga Frontliners