Pages

Dahil sa utang na P700 ng isang ina Anak nabuhusan ng Kumukulong Tubig ng isang Babae


Viral ngayon sa socmed ang isang senaryo kung saan nadamay ang isang musmos dahil lamang sa bugs0 ng damdamin ng isang babae na naninigil sa isang ina.

Dahil lamang sa 700 pesos na pagkakautang ng isang ina ay sinapit ng isang musmos ang pangyayari na ito kung saan nabuhusan ito ng kumukulong tubig.

Marami naman netizens ang naniniwala na hindi ito aksidente kundi ito ay sinadya ng babae na pinagkakautangan ng ina ng bata.

Ibinahagi ng netizen na si Marites Paz Caldo ang larawan ng kanyang anak na nagkaroon ng pinsala sa kaliwang hita dahil sa kumukul0ng tubig.


Hindi na niya nais pa pangalanan ang babae na may kagagawan sa kanyang anak at hindi rin niya pinagbibintangan umano na sinadya ang pangyayari na ito.

Ayon kay Marites, dumadaan lamang ang kanyang anak sa bahay ng babae na kanyang pinagkakautangan sa halagang 700 pesos at bigla na lamang ito magsaboy ng kumukulong tubig sa kalsada sa hindi malaman na dahilan.

Katwiran naman ng babae ay nais lang daw nito magsaboy ng kumukulong tubig sa kalsada ng mga oras na iyon.


Maraming netizens ang naawa sa sinapit ng batang musmos dahil nadamay umano ito sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang nakatatanda dahil lamang sa halagang 700 pesos.

Maraming netizens din ang nagsabi na hindi makatarungan ang ginawa sa bata. Hindi dapat makaligtas o kunsintihin ang ginawa ng babae na ito sa isang bata lalo na ito ay menor de edad pa lamang.

Dagdag pa ni Marites, kung mayroon lang siya na sapat na pera ay binayaran na niya ang babae ngunit talagang kapos at wala siyang pera ng mga panahon na iyon.

Bagamat, ang utang ay dapat bayaran ngunit hindi ito dahilan na ang halagang 700 pesos ay ilalagay sa kapahamakan ang isang batang musmos at madadamay na lamang sa isang sitwasyon na maaari ikapahamak.