Pages

Employer pinuri ng mga Netizens dahil sa Kabutihang loob na ipinakita nito sa kaniyang mga Empleyado kahit Maliit lamang ang Kumpanya


Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang ginawang pasasalamat ng isang netizen para sa tulong na ibinahagi sa kanila ng mapagmalasakit at mapagbigay nilang employer sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Ibinahagi naman ng netizen na si Juanito C. Balungo ang larawan kung saan makikita doon ang ilang mga relief goods at ilang limang daang piso na nakalagay sa bawat supot ng relief goods. Ipinagmamalaki rin ni Juanity ang kanilang employer dahil kahit pa man maliit pa lamang ang kumpanya nito at hindi pa ganoong kalakihan, naisip pa rin nitong mamahagi ng tulong para sa mga empleyado nito.

Saad ni Juanity sa kaniyang post,
“HINDI MAN MALAKI ANG KUMPANYA NANG BOSS NAMIN, MALAKI NAMAN ANG KANYANG MALASAKIT SA AMIN.”

Kwento rin ni Juanito, magda-dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho sa naturang kumpanya. Kahit pa man noong siya ay nagre-review pa para sa board exam hanggang sa naging isa na siyang licensed professional teacher ay hindi pa rin siya umaalis sa naturang kumpanya dahil na rin nga sa ganda ng trato ng mga ito sa kanilang mga empleyado.
Aniya,
“Since 2018 trabahante nako.. Habang nagre-review para sa board exam hanggang sa pumasa ako at ….until now dito parin ako.. (nung) dumating ang pandemic na ito naisip ng boss namin na bigyan kame habang naka-community quarantine..”
Umani naman ng papuri ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Juanito sa mga netizens dahil sa kabutihang loob na taglay nito. Ilan naman sa mga netizens ang napa-Sana all na lamang at hinihiling na sana ay ganoon rin sa kanila ang kanilang mga employer na mamahagi ng tulong sa kanila, lalo na sa kr1sis na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa banta na dala ng C0VID-19.
Lubos rin na nagpapasalamat si Juanito sa kaniyang employer dahil sa pagiging pagmalasakit at mabuti nito sa kaniyang mga empleyado. Hindi rin ito nakalimot na mamahagi ng kaunting tulong para sa kanilang mga empleyado kahit pa man maliit lamang ang kumpanya nito.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 13,000 reactions, 3,200 comments, at 96,000 shares ang post ni Juanito.