Pages

Palaboy na Lalake nakapulot ng Wallet na pagmamay-ari ng isang Mayaman Bahay at Trabaho ang naging Reward


Isa sa problema sa mga bawat bansa ay ang mga taong walang tirahan at kakapusan sa pinansyal kaya ang nangyayari sa mga ganitong sitwasyon ay sa kalye na lamang natutulog o naninirahan.
Gaya na lamang ng isang senaryo na ito na inyong matutunghayan kung saan isang homeless ang nagkaroon ng instant bahay at trabaho dahil sa kabutihan loob.

Hindi inaasahan ni Nitty Pongkriangyos mula sa Thailand nang makatanggap siya ng isang tawag sa himpilan ng pulisya na diumano may hawak ng kanyang wallet.


Pagdating niya sa himpilan ay nakita niya ang taong nakapulot ng kanyang wallet na nagpunta sa himpilan.

Ang wallet ni Nitty ay isang Hermés na may laman mahigit THB 20,000 ($580 o katumbas nito ay 30,000 pesos).


Nakilala ang lalaki na nakapulot bilang si Waralop na napag-alaman na natutulog ito sa tabing kalsada.

Hinangaan ni Nitty si Waralop dahil sa kabutihan loob nito at pagiging matapat na kung tutuusin ay maaari nitong gamitin ang napulot na wallet upang makapag-umpisa siya sa buhay lalo na sa kanyang kalagayan.


Ayon kay Nitty ay hindi na lang daw nito pinansin na nawala ang kanyang wallet at kung siya ang nasa kalagayan ni Waralop ay itinago na lamang niya ang wallet.

Labis ang pasasalamat ni Nitty kay Waralop at bilang gantimpala ay nagdesisyon ito na hindi ilibre ng pagkain o bigyan ng pera kundi bigyan ito ng maayo na matutuluyan.


Maliban sa apartment na ibinigay ni Nitty, binigyan din nito ng trabaho si Waralop sa kanilang Factory.

Ayon kay Nitty dahil sa pagiging matapat nito ay eksakto ito sa katangian na hinahanap nila sa kanilang mga empleyado.


Bukod sa mga gantimpala ni Waralop na natanggap, sinamahan din ng asawa ni Nitty si Waralop upang bumili ng mga kagamitan at damit na kakailanganin nito upang mag-umpisa sa pagbabagong buhay.


Ibinahagi ang senaryo na ito sa socmed at napag-alaman na mahigit isang taon nagpapalaboy-laboy sa kalsada si Waralop at sa gabi naman ay sa Huay Kwang MRT station ito natutulog.

Maligayang maligaya si Waralop sa kanyang natanggap na hindi niya inaasahan na darating ang buhay niya sa ganito.

Nagpasalamat naman ang mag-asawa kay Waralop dahil sa ipinakita nitong kabutihan at pagiging matapat na dapat daw maging isang halimbawa sa iba at patunay ito na hindi dahilan ang kahirapan upang hindi gumawa ng hindi maganda sa kapwa.