Noong linggo ay kasama nito ang kanyang pamilya na dumalaw sa kanilang bayaw. Habang nasa bahay, may biglaan tumawag kay Clara ngunit hindi nito sinagot dahil hindi niya ito kilala.
Sa ikalawang pagkakataon ay sinagot na niya ito at nakausap si Tatay Rome Punla na umano nakapulot sa kanyang pitaka.
Doon lang nalaman ni Clara na nawawala pala ang kanyang pitaka at tuwang-tuwa naman si Clara dahil ibabalik sa kanya at hindi mahihirapan hanapin pa.
Agad siyang hinanap ni Tatay Rome dahil magkalapit lamang sila ng lugar at madaling maibabalik sa kanya.
Nang maibalik na kay Clara ang kanyang pitaka, sinubukan niyang bigyan ng kaunting gantimpala si Tatay Rome dahil sa katapatan, kabutihan loob nito at bilang pasasalamat dahil nabalik sa kanya ang kanyang pitaka.
Ayon kay Clara ay tumanggi si Tatay Rome na sa kanyang ibinibigay dahil hindi naman daw umano ito nanghihingi ng kapalit. Ok lang daw na wala ito maibigay sa kanya.
Wala rin daw ginalaw si Tatay Rome sa kanyang pitaka kundi ang ID lang daw upang mahanap ang kanyang contact number.
Buong nakuha naman ni Clara ang laman ng kanyang pitaka maski ang pin ng kanyang ATM Card sa unang pagbukas ay makikita kaagad ay naroon pa rin.
Mas lalong ikinamangha ni Clara nang malaman nito na nasa ospital pala ang asawa ni tatay Rome nang mga oras na yun at hindi pa nito tinanggap ang pera na maaari sana magamit na panggastos sa ospital.
“Hindi na ako nagdalawang-isip dahil marami rin akong mga problema na pinagdaanan at nakaraos ako. Eto pa kaya hindi ako makakaraos?” Ayon kay tatay Rome.
Nagkaroon din ng isang milagro umano ang nangyari sa asawa ni tatay Rome nang araw na iyon. Pagbalik daw nito sa ospital bandang hapon ay nakabangon na ang kanyang misis.
Ayon pa kay tatay Rome baka ito na daw ang kabutihan na kanyang ginawa kaya ginabayan siya ng Panginoon at pangyayari na iyon ay sinubukan siya ng Panginoon kung gaano siya katapat at kung mayroon siyang paninindigan sa buhay.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat na ang paggawa ng kabutihan ay may naghihintay na mas malaking biyaya na hindi ninyo inaasahan.