Pages

Umiiyak ang Batang ito dahil sa nais niyang Yakapin ang kaniyang ina na isang Doktor na kailangang sumailalim sa Self-Quarantine!


Maraming mga takot, reklamo, at pangamba ang bawat isa sa mga panahon ngayon lalo na dahil sa nakakatakot na paglaganap ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit kung tutuusin ay mas mahirap ang kinalalagyang sitwasyon sa ngayon ng ating mga frontliners o iyong mga doktor, nars, sundalo, pulis at ilan pang mga tao na kinakailangang gampanin pa rin ang kanilang mga tungkulin para sa marami nating mga kababayan.


Mahirap din para sa kanila ang malayo at mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay ngunit wala silang ibang maaaring gawin kundi gawin ang kanilang mga sinumpaang tungkulin. Sa katunayan ay viral na sa ngayon ang kwento ng isang doktor na ito mula sa Malaysia.

Ibinahagi niya ang nakakaantig na video ng kaniyang anak na umiiyak dahil sa gusto lamang nitong yakapin ang kaniyang ina ngunit dahil sa siya ay sumasailalim sa self-quarantine ay hindi ito maaaring lumapit sa kaniya dahil maaari itong mahawa sa kaniya. Sa ngayon ay mayroon nang nasa 900 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia.

Mayroon nang dalawang pasyente na binawian ng buhay dahil sa naturang karamdaman kung kaya naman mas lalong pinag-iingat ang publiko patungkol sa paglaganap ng nakakatakot na sakit. Bilang isang magulang at bilang isang ina ay napakahirap malagay sa isang sitwasyon na hindi mo maaaring yakapin o alagaan man lamang ang iyong pamilya.


Mahirap din para sa isang inosenteng bata ang maunawaan kung bakit kinakailangan ng kaniyang magulang o ng kaniyang ina na lumayo at umiwas muna sa kaniya. Tunay nga na marami ring ibang mga netizens ang nakikisimpatya sa netizen na ito na nagpost ng naturang video.


Siya ay si Khadijah Ismail. Hindi madali ang pinagdaraanan ng bawat isa sa atin ngayon, ngunit kung tayo ay magkakaisa bilang isang bansa, at mas magiging disiplinado at responsable ang bawat isa tiyak na unti-unti nating malalampasan ang lahat ng ito. Dahil sa ating pagtutulungan at sa pananalig natin sa Diyos na Maylikha.