Pages

Babaeng may-ari ng paupahan nagbigay ng Free Rent for 1 Month sa mga Tenants at nagbigay din ng Pera pandagdag sa mga Tenants para pambili ng Pagkain


Sa panahon ngayon, ilan lamang na negosyo ang tumatakbo kagaya na nga ng grocery na maaaring pagkuhanan ng mga pagkain.
Kaya naman ang pera ng bawat pamilya ay maaaring sapat lang para sa may maihain sa hapag kainan at makapamili ng mga kailangan.
Hindi na maisingit pa ang iba pang gastusin dahil sa kawalan ng trabaho na makapag bibigay ng perang pang gastos.
Madami na ang nag vi-viral na mga may- ari ng mga bahay paupahan na kung saan bilang pag bibigay tulong sa kanilang kapwa ay hindi na nila pinababayaran ang isang buong buwan na pangungupahan.

Ngunit higit pa sa papuri ang natanggap ng isang babaeng may- ari ng bahay paupahan na bukod sa isang buwang libreng upa, binigyan niya pa ito ng pera para ipandagdag sa pambili ng mga kailangan
Makikita ang isang P500 na ipinost ng netizen na si Ryoko Montreal na ibinigay ng kanilang landlady na kung tawagin ay si Nanay Preciosa Arroza.
Ayon kay Ryoko na ishinare naman ng News5 Features sa kanilang official Facebook page, mayroon daw mangilan ngilan pang mga bahay paupahan si Nanay Preciosa sa Meycauayan, Bulacan.
Hindi lang si Ryoko ang naantig sa ginawa ni Nanay Preciosa maging ang kapwa nito nangungupahan ay labis din ang pasasalamat dito.
Sa kabila ng lockdown, mas inisip ni Nanay Preciosa ang pinag dadaanan ng bawat isa sa mga panahon na ito dahil alam niyang trabaho ang isa sa mga pinaka-malaking apektado.
Kung ano man ang natanggap ni Ryoko, ganon din ang natanggap ng ibang nangungupahan kay Nanay Preciosa. Tunay ngang kabaitan at pagtutulungan ang dapat mangibabaw ngayon sa ating bayan.