Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pandemic dito sa Pilipinas, ipinatupad na ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Layunin ng panukalang ito na mabawasan ang interaksyon ng maraming tao ng sa gayon ay maiwasan na rin ang paglobo ng mga positibo sa naturang sakit.
Gaano man kabuti ang layunin ng naturang panukala ay hindi rin naman maikukubli na mayroong nga taong higit na maapektuhan sa pagpapatupad nito. Kagaya na lamang ng grupo ng mga construction workers na ito na mula pa sa Pangasinan.
Ayon pa sa ulat ng Zeibiz, nilakad lang naman ng grupo mula Maynila pauwi ng Manaoag, Pangasinan. Aabot lang naman sa dalawang araw ang bantang lakarin ng mga construction worker na ito.
Dahil sa pagputol sa mga byahe ng pampublikong jeep at bus, napilitan maglakad ang mga ito dahil umanoy walang masakyan at wala din gusto magpasakay sa kanila.
Ayon pa sa post ng Facebook user na si Luz Bigay, iginiit pa ng mga construction worker na mistulang pinabayaan lamang sila ng kanilang employer na hindi man lang nagbigay ng tulong kahit pang-transportasyon na lamang pabalik sa kanilang probinsya.
Mabuti na lamang at agad na umaksyon ang mga barangay tanod at kapitan ng Pugaro, Manaoag at kanilang natulungan ang mga construction worker.
Sinundo ang grupo sa bandang Gerona, Tarlac na labis naman nilang pinasasalamatan. Sa ngayon ay isina-ilalim na ang grupo sa quarantine bilang pagtugon na rin sa utos ng DOH na lahat ng tao galing sa Maynila ay kailangang mag quarantine sa loob ng 14 na araw.
Nakalungkot isipin na may mga kababayan tayo na pinaka-apektado sa gitna ng krisis na ating kinakaharap. Pero gaano man kahirap ang sitwasyon ngayon ay matatapos rin ito at babangon ulit tayo para lumaban sa buhay.