Isa sa mga pinaka apektado ngayong ipinatupad ang Community Quarantine dahil sa Corona Virus ay ang mga street vendors na nakasalalay ang kanilang benta sa mga taong dumadaan.
Ngayong ipinatupad ang lockdown sa National Capital Region ay hindi halos alam ng mga street vendors na ito kung paano sila magkakaroon ng kita para may ipakain sa kanilang pamilya.
Dahil sa hirap ng buhay at hindi lahat tayo maaaring makapag panic buying at manahimik sa bahay, may iilang mga workers at vendors pa din ang pilit lumalabas upang magtrabaho nang may ipakain sila sa kanilang pamilya at sarili.
Minsan kung sino pa ang mga kapos palad ay sila pa ang mas marunong umintindi at magbigay sa ating kapwa ng walang kapalit kaya naman lubos na nakaaawa ang mga ito dahil kailangan nilang i-risk ang kanilang safety para lang may ma-iuwi sa kanilang pamilya.
Katulad na lamang ng isang mabuting loob na Taho Vendor na ito na kamakailan ay nag-trending dahil sa kaniyang ginawa na na-touch ang karamihan
7:00 am pa lamang ng umaga ay halos ubos na ang inilalakong Taho ni Manong Boyong. Hindi dahil marami ang bumili nito, kung hindi dahil libre niya itong ipinapamigay sa mga Frontliners sa isang checkpoint sa Valenzuela-Meycauayan Bulacan Boundary.
Ang dahilan ni Mang Boyong, Mahirap daw kasi magpuyat kaya kahit papaano ay makakatulong ang kaniyang taho na mabawi ng mga Frontliners ang kanilang lakas dahil magdamag silang nagbabantay sa checkpoint.
Halos 27 years ng nagtataho si Mang Boyong sa bahagi ng Valenzuela City. Bilang pagmamalasakit ng ating mga Frontliners, kusa itong nagbigay ng libreng taho para sa lahat bilang kaniyang maliit na tulong sa panahon ng kalamidad na ito.
Marami ang na-touch at naluha sa pagiging Good Samaritan ni Mang Boyong na kahit alam ng karamihan na malaking bawas ito sa kaniyang mga benta.
Hindi lubos maisip ng iba na ang isang Taho Vendor na magkano lamang ang kinikita sa isang araw ay nakapag bigay pa ng tulong at libreng taho sa ating mga mamamayan. Sana ay matulungan si Mang Boyong at mabigyan ng higit pa sa kaniyang ibinigay.
Sa panahon ngayon, maging mabuti tayo sa ating kapwa at huwag natin ipagdamot ang ating mga kayamanan dahil kung kaya ni Mang Boyong ng magbigay ng walang hinihinging kapalit, kaya din natin.
Ika nga ng iba, Those who have less tend to give more. God bless you Manong and Salute to you!