Pages

Ginang naka-ipon sa kanyang tub0 na higit Php 160,500 dahil sa pagtitinda ng Ice Candy


Maraming paraan ang pag-iipon kung talagang gugustuhin mo. Dito masusukat ang iyong determinasyon, inspirasyon, dedikasyon, disiplina at tyaga na siyang susub0k sayo kung kaya mo talaga.
Isa din itong challenge para sa nakararami lalo na sa panahon ngayon marami sa paligid ang tuks0 na bilihin at pagkain pero kung gusto mo talagang mag-ipon ay magagawa mo.
Isa din sa nagpa-inspired sa kanya ang PESO SENSE, isang Facebook page kung saan nagbibigay ito ng mga tips tungkol sa pag-iipon at pagtitipid sa pera.
Gaya na lamang ng ginang na ito, sa pagtitinda ng ice candy ay nakapag-ipon siya ng Php 160,500 pesos sa dalawang kaserola niya na ice candy na mangga at buko flavor.


Ayon kay Riz Red Moreno, may tindahan sila at habang nagbabantay siya ay gumagawa siya ng ice candy araw-araw maliban na lang kung masama ang pakiramdam niya o kaya may bagyo.

Sa loob daw ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at buko ang nagagawa ni Moreno na 165 pcs tapos ang benta niya bawat isa ay limang piso lamang kaya lumalabas daw na 825 pesos sa isang gawaan niya at tumutubo ng 400 pesos pero dalawang kaserola ang kanyang ginagawa kaya ang tubo niya ay umaabot sa 800 pesos.

Sa tubo nya na 800 pesos, ang 500 pesos ay inihuhulog niya sa kanyang lata na alkansya at yung 300 naman ay itinatabi para sa pambayad ng kanyang kuryente.
Laking tuwa ni Riz Red Moreno dahil sa kanyang tyaga ay naka-ipon siya ng 160,500 pesos na hindi niya sukat akalain ay magagawa niya ito kaya may payo siya sa mga Ina na tulad niya.

Ayon kay Riz Red Moreno, “Kaya sa mga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pagdating sa pera, maraming salat at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko na ito, Thank you po at happy new year sa inyong lahat.”