Problema sa mga grocery stores ngayon ang mabilis na pagkaubos ng kanilang mga stocks dahil sa pagpa-panic buying at pagho-hoard ng mga tao. Sa mga taong may sapat na pera ay hindi ito problema dahil mas makakabili sila ng mas maraming supply nila.
Ngunit para sa mga taong wala namang pambili ng kanilang isang linggo stock ng pagkain ay malaki itong pagsubok dahil bago pa man sila makabili ay tiyak na naubusan na sila.
Katulad ng ibang mga bansa na nasa lockdown ngayon, karamihan sa mga supermarkets at grocery stores ay halos wala ng laman ang kanilang mga shelves. At panawagan ng ilan na itigil na ang pagpa-panic buying dahil kawawa naman ang mga taong nais bumili ngunit wala ng mabili.
Kamakailan ay viral sa social media ang larawan ng mga matatanda sa magkaibang lugar na makikitang namimili sa grocery ngunit halos wala na silang mabili dahil wala ng laman ang mga istante.
Kung iisipin nating mabuti at iintindihin, kabilang ang mga matatanda na edad 60 pataas sa mga nasa panganib na dulot ng coronav!rus dahil mas mahina ang kanilang immune system. Pero imbes na sana sila ang mas pinoprotektahan natin ay mas nalalagay pa sila sa peligro dahil sa ginagawa ng karamihang tao na inuubos ang mga stocks sa mga pamilihan.
Wika ng netizen na si Andrew Kiely sa kanyang Twitter account, na nagbahagi ng unang larawan,
"This tells a thousand words! Relax with the panic shopping folks, I'm 27 and was stood in a queue for ages today. This woman is elderly and probably queued for ages also unnecessarily! Help out those who are vulnerable and don't be selfish!"
Samantala, halos ganoon din ang naibahaging larawan ng netizen na si Seb Costello, ng makita niya ang isang matandang babae na wala ng mabiling pagkaing de lata sa isang grocery store sa Melbourne, Australia.
Kwento niya na halos maiyak na raw ang matanda dahil wala na itong mabili dahil sa pagkaubos ng mga paninda.
Tunay na nakakadurog ng puso na makita ang mga larawan na ito, kaya naman kung iiniisip natin ang ating mga sarili ay huwag rin nating kalimutang isipin ang ibang tao. Dahil masusugpo natin ang crisis na ito kung tayo ay magtutulungan at magbibigayan.