Maraming pinaluha ang heartbreaking story ni Liza Paqueo tungkol sa kanyang 67-year-old mother na si Nida Paqueo, na namatay na nag-iisa dahil sa COVID-19.
Ipina-cremate agad ang bangkay ni Nida kaya hindi na ito nagkaroon ng maayos na burol, at hindi nakapagbigay sa kanya ng huling respeto ang mga anak na naninirahan sa Amerika.
Hindi nag-iisa si Liza dahil makadurog-damdamin din ang karanasan ng Italian actor na si Luca Franzese.
Ang COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ni Teresa, ang 47-year-old sister ni Luca.
Binawian ng buhay si Teresa noong March 8 sa Naples, Italy.
Pero tumanggi ang undertakers, mga taong namamahala sa paglilibing o cremation ng mga namamatay, at ang hospital authorities na kunin ang kanyang bangkay mula sa tahanan nila.
Ginamit ni Luca ang kanyang Facebook page para umapela sa mga kinauukulan.
Nag-post siya sa Facebook ng kanyang panawagan at ng video ng walang-buhay na katawan ni Teresa na nakahiga sa kama.
"My sister is dead, in bed. I don’t know what to do.
"I can’t give her the funeral she deserves because the institutions have abandoned me.
"We are ruined. Italy has abandoned us. Let’s stay strong together.
"Please share this video everywhere," emosyonal na pahayag ni Luca.
Mabilis na nag-viral ang video ni Luca kaya makalipas ang 36-hours, dumating sa tahanan nila ang undertakers na nakasuot ng protective clothing, kinuha ang bangkay ni Teresa, at dinala sa sementeryo para ilibing nang walang anumang seremonya.
Ayon kay Luca, may epilepsy si Teresa, pero nang lumala ang kundisyon nito, sinabi niyang dapat sumailalim sa coronavirus test ang kanyang kapatid.
"To keep her alive, I tried to give her mouth-to-mouth resuscitation. Nobody gave a damn," ani Luca.
Mapalad si Luca dahil hindi ito nagkaroon ng COVID-19 kahit binigyan niya ng mouth-to-mouth resuscitation si Teresa, pero dalawa sa miyembro ng kanilang pamilya ang nag-positibo sa naturang sakit.
THAI ACTOR TESTS POSITIVE FOR CORONAVIRUS
Samantala, ang Instagram naman ang ginamit ng Thai actor at singer na si Matthew Deane nang ipagtapat nito sa publiko na positive siya sa COVID-19.
"This is NOT a joke, for those that have been in close contact with me the last few days please take precautions. I have the Covid-19 virus#covid 19," pahayag ng 41-year-old actor.
Ipinasara ni Matthew ang kanyang Muay Thai boxing gym para sa sanitation at disinfection bilang proteksyon sa kanyang mga kostumer.
Si Matthew ay nasa cast ng Thai drama series na The Crown Princess, na ipinalabas sa GMA-7.