Hindi kilalang Babae ipinapuno ang Basket at binayaran lahat para sa matandang lalaki na mayroon lamang na de lata at alcohol
Ang pagtulong sa kapwa ay bukal sa kalooban at pagpapakita ng pagkukusa, dahil ito ay walang hinihintay na kapalit.
Ang pagtulong sa kapwa ay masarap sa pakiramdam lalo na kung bakas sa mga ngiti ng iyong natulungan ang kanilang pasasalamat at kaligayahan.
Maraming paraan upang makatulong kahit sa mga maliit na bagay lamang tulad ng simpleng pag ngiti sa ating mga nakakasalubong kahit pa hindi natin ito kakilala.
Dahil maaring may pinagdadaanan sila at sa sobrang dami ay limot na nila paano ngumiti kaya’t sa ganitong paraan mapapagaan mo ang kanilang araw.
Nitong nakaraan lamang sa Landmark, mayroong isang matandang lalaki na nakapila upang magbayad ng kaniyang mga pinamiling mga de lata at alcohol.
Ikuwento ng netizen na si Lane Black Water, na nilapitan daw ito ng isang babae na kung saan sinabihan si tatay na manguha pa ng ibang mga gamit at pagkain at siya ang mag babayad ng lahat ng ito.
Noong una ay kinuha lamang ni tatay ay dalawang packs ng tinapay. Ngunit sinabing muli ng babae na kumuha ng mas marami pa
Inutusan naman niya ang kaniyang kasama na tulungan si tatay na manguha pa ng mga bagay at pagkaing siguradong kakailanganin ng kaniyang buong pamilya lalong lalo na ngayong kasagsagan ng kumakalat na virus at skit.
Narito ang caption ng post ni Blackwater;
Good Samaritan in Landmark. While everyone else was hoarding like h3ll (yung tipong punong-puno ang mga big carts) here in Landmark, habang naghihintay kami ng asawa ko na mag-move ang line ay I couldn’t help but overhear this very nice young lady sa likuran namin saying to Manong na hindi nya kilala (na ang laman lang ng basket ay few canned goods and few bottles of alcohol na maliliit lang) na, “kuha pa po kayo ng tinapay, kape, asukal… ako po ang magbabayad.
Manong was reluctant pa pero sa matagalang pagpilit sa kanya, napapayag din siya. Umalis siya saglit at kumuha ng dalawang piraso ng bread. So sabi ni girl na, “yan lang po kinuha nyo? Kuha pa po kayo. Dagdagan nyo pa po, ako po ang magbabayad.” Si Manong, nagsmile lang pero pinilit pa rin siya ni girl.
So Manong left again to get few more items habang si girl ay binulungan ang kasama nya to get more items like toothpaste and the likes, Di ko na masyadong sinilip ang mga nilalagay nila kasi nahiya na rin naman ako.
So habang wala pa si Manong, napupuno na ang basket nya kalalagay nila girl and kasama nya ng mga necessity items during times like this na may pandemic…
Pagdating ni Manong, nagulat na lang siya sa dami ng laman ng basket nya. Makikitang happy and overwhelmed na rin si Manong.
In the end, pati yung ibang nasa counter na customer ay nagbigay na rin ng konti-konting items like Spam and etc. (na they paid) kay Manong at may nag-offer pa na sila na magbabayad ng mga items ni Manong.
Nakakatuwa lang kasi may mga tao pa rin talaga na kagaya ni girl na makikita mo ang sincerity sa pagtulong. Pati tuloy mga tao nahawa na sa kanya.
Sana all kagaya ni girl. P.S. Kudos pala kay Landmark for limiting purchase of alcohol to 6 per customer.