Karinderya ibinenta ang Lugaw with egg sa halagang sampung piso at libre naman sa mga walang pambayad
Sa kabila ng hirap ng buhay, dumagdag pa ang mga sakunang sunod sunod na dumadating sa ating bansa.
Ang hirap na nararanasan ay pabigat ng pabigat. Hindi malaman kung ano ang ating magiging kinabukasan.
Maswerte ka na kung ikaw ay nakakakain ng tatlong beses isang Linggo. Dahil sa mga ito, hindi mo na makakayanang mag isa, kaya nariyan ang mga kapwa Pilipino na bukas palad na tumulong.
Madami na ang naaapektuhan ng sakit na C0VlD 19. Dahil sa nag viral na post ng isang netizen, nangibabaw ang pag-asang possible pang isipin ang kapakanan ng iba bukod sa sarili. Madaming negosyo ang nalulugi sa panahon ngayon ngunit nakakatulong pa din dahil mayroon namimigay ng libre.
Nag viral ang post ng netizen na si Vic Esguerra sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang karinderya sa Pulilan, Bulacan nag ibinibigay ng kanilang itinitindang lugaw with egg sa mga taong walang maipapambayad.
At sa mga mayroon namang kahit kaunting pera, ibinebenta nila ang lugaw with egg sa halagang sampung piso. Ito ay ang Carinderia ni Ka Enteng
Hindi ba’t kahanga hanga ang ganitong gawain? Kaya naman kagaya nang nakasulat sa kanilang karatula, na “Pinoy tayo, nagtutulungan!” kanilang ipinalaganap at pinaramdam sa kanilang mga kababayan.
Marahil dahil na din sa pagiging malago ng kanilang negosyo dahil sa mga suki, ito na siguro ang nakita nilang pag kakataon upang makabawi at sila naman ang makapagbigay ng grasya sa ibang nangangailangan.
Ayon sa mga customers nila, hindi lang daw ito mura dahil ito ay masarap pa.